Sumuko ang 21 miyembro ng Abu Sayaff Group sa PNP Special Action Force nito lamang Miyerkules, Enero 4, 2023 sa Barangay Bangkal, Patikul, Sulu.
Ayon kay Police Major General Edgar Alan Okubo, Director ng SAF, sumuko ang mga miyembro ng ASG sa mga tauhan ng 84th Special Action Company, Rapid Deployment Battalion at 7th Special Action Battalion at sa pakikipagtulungan ng ibang ahensya ng gobyerno.
Ayon pa kay PMGen Okubo, ang mga nasabing ASG ay diumanoāy responsible sa maraming pagbobomba, kidnapping, pagpatay at pangingikil sa Pilipinas.
Kabilang na rito ang Sipadan Kidnapping noong taong 2000, Malaysian National Kidnapping Incident, pagkidnap sa isang cameraman ng ABS-CBN at ng tatlong manggagawa ng International Red Cross taong 2009, pag-ambush kay dating Sulu Provincial Director PSSupt Julasirim Kasim na nagresulta sa pagkamatay nito kasama ang tatlo pang tauhan ng PNP at serye ng pag-aaklas laban sa gobyerno taong 2015 partikular sa Brgy. Sinumaan sa Talipao, Sapah Malum, at Camp Marang, parehong sa Indanan, Sulu.
Dagdag pa ni PMGen Okubo, kasama sa mga nasabing sumuko sa pulisya ang mga Former Violent Extremists (FVEs) ng grupo.
Sasailalim naman ang mga sumukong rebelde sa Enhance Comprehensive Local Integration Program o E-CLIP ng gobyerno.
Sila rin ay makakatanggap ng tulong pinansyal mula sa PNP SAF at mga grocery package mula sa Ministry of Social Services and Development (MSSD), Regional Maritime Unit, at Police Regional Office BAR.
Bukod rito, ipapatala rin sila sa iba’t ibang programang pangkabuhayan ng gobyerno katuwang ang MSSD, Sulu Provincial Task Force to End Local Armed Conflict (SPTF ELAC), Ministry of Agriculture, Fisheries and Agrarian Reform (MAFAR), at TESDA.
Ani PMGen Okubo, āPeace and progress are couples that can never be divorced. When there is no peace there is no progress. As we level up our tactical offensive, we also level up our engagement initiatives with the lawless groups. Not all the time, we confront violence with violence, arms with arms, and bullets with bullets. Let us keep talking, keep engaging, and keep believing. The end to this is renewed consensus between the parties. We believe we can do it soon as this event is evidence of that. Their surrender contributes to the ongoing weakness of the ASG.ā