Ipinagdiriwang ang National Women’s Month ng mga kawani ng Police Regional Office BAR sa Camp BGen Salipada K Pendatun, Parang, Maguindanao del Norte nito lamang ika-5 ng Marso 2025.
Pinangunahan ni Police Brigadier General Romeo J Macapaz, Regional Director ng PRO BAR, ang naturang aktibidad katuwang ang buong kababaihan o Juanas ng Regional Headquarters, at aktibong dinaluhan ni Gng. Hadja Bainon G. Karon, Chairperson ng Bangsamoro Women Commission bilang Panauhing Pandangal.

Binigyang parangal din ang mga magigiting na kababaihang pulis upang pagkilala sa kanilang dedikasyon at pagmamahal na gampanan ang kanilang sinumpaang tungkulin.
Ang Buwan ng Kababaihan ay may temang “WE for Gender Equality and Inclusive Society” na may sub-theme na “Babae sa Lahat ng Sektor, Aangat ang Bukas sa Bagong Pilipinas”, ay isang taunang pagdiriwang na ginaganap sa buong buwan ng Marso upang bigyang-pansin ang mga naging papel ng mga kababaihan sa iba’t ibang aspeto ng buhay at upang itaguyod ang kanilang mga karapatan at kapakanan.


Marami pang aasahang aktibidad na nakalaan sa mga kababaihan sa susunod na araw. Ito ay isang pagtitipon kung saan maaari nilang makahalubilo ang kanilang mga kasamahan sa trabaho at mga kaibigan.
Patunay lamang na ang Pambansang Pulisya ng Pilipinas ay patuloy sa pagbibigay ng kahalagahan sa mga kababaihan katuwang ang ibang ahensya ng pamahalaan upang ipadama ang malasakit tungo sa maayos at maunlad na bansa.
Panulat ni Pat Veronica Laggui