Saturday, November 23, 2024

2022 NHQ-NSUs Sportsfest, ganap nang pinasinayaan

Camp BGen Rafael T. Crame – Opisyal na muling binuksan ang 2022 National Headquarters (NHQ) – National Support Units (NSUs) Sportsfest ng Philippine National Police nito lamang hapon sa araw ng Lunes, ika-12 ng Setyembre 2022, sa harap ng PNP NHQ Building, Camp Crame, Quezon City.

Pinangunahan naman ni Chief, PNP Police General Rodolfo S. Azurin, Jr. na kinatawan ni Police Lieutenant General Chiquito M. Malayo, The Deputy Chief PNP for Administration (TDCA), ang naturang paligsahan kung saan siya ang nagdeklara ng opisyal na pagbubukas ng 2022 NHQ-NSUs Sportsfest na ilang taon din naudlot bunsod ng mahigpit na implementasyon ng minimum health protocol dahil sa Covid-19 pandemic.

Samantala, dahil sa angking kahusayan na ipinamalas sa ginanap na 2022 World Police and Fire Games sa The Netherlands kung saan nag-uwi siya ng apat na gintong medalya sa larangan ng taekwondo, si Police Staff Sergeant Eva Claire C. Santiago ang napiling magsindi ng tradisyonal na Friendship Urn at manguna sa Oath of Sportsmanship.

Ang bawat pangkat naman ng manlalaro mula sa bawat opisina ay pumarada kasama ang mga kanilang naggagandahang mga Muse na tunay namang nagbibigay inspirasyon sa mga manlalaro.

Layon ng taunang sportsfest na ito na magkaroon ng camaraderie at pagkakaisa ang bawat miyembro ng Pambansang Pulisya, at magpataas ng morale ng mga ito sa pagganap ng kanilang sinumpaang tungkulin.

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,310SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles