Cebu – Umabot sa 200 na residente ang napasaya ng Programang Hatod Pangalagad ng Balamban Police Station sa Barangay Hingatmonan, Balamban, Cebu nito lamang Nobyembre 22, 2023.

Pinangunahan ito ni Police Lieutenant Colonel Joey Mallare Bicoy, Acting Chief ng Balamban Police Station katuwang ang Local Government Unit sa pangunguna ni Hon. Mayor Ace Stefan V Binghay, BJMP, BFP at Philippine Army.
Naging matagumpay ang aktibidad kung saan lubos ang pasasalamat ng mga naging benepisyaryo dahil sa tulong na kanilang natanggap tulad ng feeding activity at pamamahagi ng tinatayang 200 na tsinelas.

Layunin ng aktibidad na ipadama sa mga mamamayan ang pagkalinga at naglalayong mabigyan ng tulong ang mga lubos na nangangailangan upang mapagtibay ang magandang ugnayan ng PNP at komunidad.