Labis ang kasiyahan ng mga kabataang mag-aaral ng Namnam Elementary School sa Sitio Namnam, Marilog District, Davao City dahil sa kanilang mga regalong natanggap mula sa mga tauhan ng Traffic Enforcement Unit (TEU) kasama ang kanilang Davao Active Stakeholders o DASH.
Sa isinagawang BARANGAYanihan sa pamumuno ni PMaj Dexter S Domingo, OIC, TEU at mga miyembro ng DASH, 200 kapus-palad na mga mag-aaral ang nahandugan ng maagang pamasko kabilang na rito ang pagkain; school supplies; groceries; loot bags na naglalaman ng mga candies at biscuits; pre-loved clothes; libro; hygiene kits na naglalaman naman ng alcohol, face masks, at face shields; at ang kinagiliwan nila na mga laruan.
Ang Traffic Enforcement Unit sa tulong at suporta ng kanilang mga stakeholders ay patuloy naman ang pamamahagi sa bawat lugar ng mga kababayan natin na lubos na nangangailangan lalo na ngayong panahon ng pandemya habang maayos nilang ginagampanan ang kanilang pagpapatupad ng batas trapiko.
#####
Article By Police Corporal Mary Metche A Moraera