Nueva Ecija – Nagbalik-loob ang 20 kababaihang miyembro ng Women Peasant Sector ng Alyansang Magbubukid sa Gitnang Luzon (AMGL) sa Sitio Saudi, Brgy. Pias, General Tinio, Nueva Ecija nito lamang Lunes, ika-16 ng Enero 2023.
Ayon kay Police Colonel Richard Caballero, Acting Provincial Director ng Nueva Ecija Police Provincial Office, ay boluntaryong sumuko ang mga kababaihan na residente ng Nueva Ecija.
Ayon pa kay PCol Caballero, naging matagumpay ang pagbabalik-loob ng mga militanteng grupo dahil sa pagsusumikap ng Nueva Ecija Police Provincial Office katuwang ang Philippine Army.
Samantala, kasabay ng kanilang pagbabalik-loob ay boluntaryo ding isinuko ang isang cal. 38 na revolver at tatlong pirasong bala.
Nanumpa at pumirma sa Pledge of Commitment ang mga dating rebelde patunay sa tapat na pagbalik-loob sa pamahalaan.
Sinisiguro ng Pambansang Pulisya na patuloy sa paghihikayat sa mga mamamayan na makibahagi sa programa ng pamahalaan at pagpapaigting ng pangangampanya laban sa terorismo.
Source: Nueva Ecija Police Provincial Office
Panulat ni Police Corporal Jeselle Rivera/RPCADU 3