Arestado ng mga operatiba ng Taguig City Police ang isang suspek at nakuhanan ito ng 20 gramo ng hinihinalang shabu sa isinagawang foot patrol sa Barangay Sta. Ana, Taguig City nito lamang Sabado, Enero 25, 2025.
Kinilala ni Police Brigadier General Manuel J. Abrugena, District Director ng Southern Police District, ang suspek na si “Mary-Ann,” isang 39-anyos na babae, na nadakip matapos matuklasan ng mga pulis ang isang heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng pinaniniwalaang shabu na tumitimbang ng humigit-kumulang 20 gramo at may tinatayang street value na Php136,000, isang maroon pouch at iba pang non-drug evidence.
Inihahanda na ng mga awtoridad ang pormal na reklamo laban sa suspek dahil sa paglabag sa Section 11, Article II ng Republic Act 9165, na kilala rin bilang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Nananatiling matatag ang Taguig PNP sa kanilang pangako sa pagsugpo sa ilegal na droga at sa pagtiyak sa kaligtasan ng komunidad.
Source; SPD PIO
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos