San Mariano, Isabela – Sasailalim ang 20 surrenderees ng Communist Terrorist Group sa inilunsad na 34-day Livelihood Training sa Sitio Lucban, Barangay Dibuluan, San Mariano, Isabela nitong Martes, Abril 5, 2022.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Lieutenant Colonel Jeffrey Raposas, Force Commander ng 1st Isabela Provincial Mobile Force Company katuwang ang Technical and Educational Skills Development Authority, Provincial Community Affairs and Development Unit, Isabela Police Provincial Office, mga opisyal ng barangay at ilang mga residente ng nasabing barangay.
Ayon kay PLtCol Raposas, ang mga dating rebelde ay magsasanay sa Shielded Metal Art Welding NC II.
Ang PNP at TESDA ay kapit-bisig na tulungan ang mga dating rebelde sa pagbabagong buhay sa pamamagitan ng pagbigay ng maayos at marangal na trabaho.
Source: First Isabela PMFC
Panulat ni Police Corporal Carla Mae P Canapi
Tagumpay salamat PNP sa paglilingkod