Tiaong, Quezon – Arestado ang dalawang Wanted Person sa kasong paglabag sa RA 9165 sa isinagawang manhunt operation ng Tiaong PNP nito lamang Huwebes, Abril 28, 2022.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Marlon Cabataña, Chief of Police ng Tioang Municipal Police Station, ang dalawang suspek na si Erwin Regulto Palma, 30 at residente ng Brgy. Cabay, Tiaong, Quezon at si Felix Gonzalez Manalo, 39 at residente ng Sta. Catalina Norte, Candelaria, Quezon.
Ayon kay PLtCol Cabataña, bandang 11:35 ng umaga naaresto sina Palma at Manalo sa RTC Building, Brgy. 10, Lucena City ng operatiba ng Tiaong Municipal Police Station sa bisa ng Warrant of Arrest (service of sentence) sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang PNP ay patuloy sa pagsasagawa ng operasyon laban sa mga taong may pananagutan sa batas upang mapanatiling ligtas at maayos ang komunidad.
Source: Quezon PNP PIO/Tioang MPS
###
Panulat ni Police Executive Master Sergeant Elvis C Arellano