Camp Col Rafael C Rodriguez, Butuan City (January 4, 2022) – Pinaigting ang anti-criminality campaign ng Police Regional Office 13 (PRO 13) na nagresulta sa pagkakahuli sa dalawang (2) wanted na suspek na ilang taon nang nagtatago sa batas sa pamamagitan ng manhunt operation nitong Enero 4, 2022.
Kinilala ang naaresto na si Alex Yuldan, 47 taong gulang, magsasaka, at residente ng Purok 4, Brgy. Manyayay, Lianga, Surigao del Sur, na nakalista bilang numero unong Most Wanted Person Municipal Level na inaresto sa pamamagitan ng Warrant of Arrest para sa krimen na Frustrated Murder sa ilalim ng Criminal Case No. 99-11-2197-H, na inisyu ng Regional Trial Court, Branch 29, Bislig City, na may petsang Disyembre 1, 1999 na may inirekomendang piyansa na Php30,000 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
Si Yuldan ay nahuli ng Tagbina Municipal Police Station (MPS) sa Brgy. Mahayahay, Magsaysay, Misamis Oriental, kasunod ng kumpidensyal na ulat na nakita ang suspek sa munisipyo.
Batay sa ulat, nasangkot si Yuldan sa insidente ng pananaksak matapos siyang bugbugin ng grupo ng mga lalaki noong Abril 1999. Agad na tumakas si Yuldan sa pinangyarihan ng krimen at nagtago sa kabundukan ng Lianga, Surigao del Sur sa sumunod na 23 taon.
Samantala, sa hiwalay na operasyon, nahuli ng mga operatiba ng Bayugan MPS si Jose Abuso Pagara, 62 taong gulang, may asawa, trabahador, at residente ng P-5, Brgy. Bucac, Bayugan City, Agusan del Sur sa bisa ng warrant of arrest dahil sa krimen na panggagahasa sa P-5, Brgy Kasulog, Salay, Misamis Oriental.
Ang warrant of arrest ay inilabas ng Regional Trial Court Branch 7, Bayugan City, Agusan del Sur, sa ilalim ng Criminal Case No. 6425, na walang inirerekomendang piyansa.
Lumabas sa ulat mula sa Bayugan MPS na ginahasa ni Pagara ang isang 10 taong-gulang na menor de edad, habang ang biktima ng ina ay nagtitinda ng mga gulay sa palengke noong Mayo 2019.
“Patuloy naming pinapalakas ang aming kampanya, kabilang ang pagpapaigting ng manhunt operations para sa mga Most Wanted na indibidwal, at hindi kami titigil hangga’t hindi namin nahuhuli silang lahat.,” saad ni PBGen Romeo Caramat Jr, Regional Director, PRO 13.
Source: PRO 13 CARAGA PIO
#####
Panulat ni: Pat Reymart Gagante
Galing nmn po ng mga kapulisan ntn saludo po kami s inyo