Nagsagawa ng buy-bust operation kontra iligal na droga ang mga operatiba ng Bulacan Police Provincial Office sa Barangay Kaybandan, San Jose Del Monte, Bulacan noong September 29, 2021.
Ayon kay PLtCol Julius C Alvaro, Acting Chief of Police ng San Jose Del Monte Police Station, nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa bentahan ng iligal na droga sa nasabing bayan kaya agad niyang inatasan si PLt Reynaldo B Bayan at iba pang miyembro ng Intel/CDEU na magsagawa ng buy-bust operation.
Bandang 8:00 ng gabi, nahuli ang mga suspek matapos magbenta ng hinihinalang marijuana sa isang poseur-buyer na pulis.

Kinilala ang mga suspek na sina Ian Joaquin Angelo Formaran y Montes, 20 anyos, binata, isang tattoo artist, at nakatira sa B32, Tercias Compound, Orchid St., Barangay Payatas, Quezon City at Ma. Theresa Revilla y Balacano, 32 anyos, walang trabaho, at nakatira sa B7, L10 Camella Cielo, Barangay Kaybandan, San Jose Del Monte, Bulacan.
Nakuha mula sa mga suspek ang marked money na nagkakahalaga ng Php10,000 at isang (1) kilong hinihinalang marijuana.

Nakumpiska rin sa posesyon ng mga suspek ang dalawang (2) plastic wrapped na marijuana fruiting tops na humigit kumulang tatlong (3) kilo na nagkakahalaga ayon sa DDB value na Php360,000.
Nasa kustodiya na ng nasabing istasyon ang mga sukpek para sa tamang disposisyon at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
####
Article by: Police Executive Master Sergeant Joey D San Esteban