Laguna (January 9, 2022) – Arestado ang dalawang (2) suspek sa magkahiwalay na buy-bust operation ng mga kapulisan sa Laguna noong Enero 9, 2022.
Ayon kay Police Brigadier General Eliseo Dela Cruz, Regional Director ng Police Regional Office 4A, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga kapulisan ng Bay Municipal Police Station (MPS) sa ilalim ng direktang pangangasiwa ni Police Major Jameson E. Aguilar, Chief of Police sa Brgy. Dila, Bay, Laguna.
Dahil dito, naaresto si Michael Quintos Talla, 46 taong gulang, binata, online seller, at residente ng Brgy. Masapang, Victoria, Laguna, na nagbebenta ng iligal na droga sa isang pulis na nagsilbing buyer kapalit ng 500 pesos na ginamit bilang buy-bust money.
Sa isinagawang preventive search ay nakumpiska ang apat (4) na piraso ng sachet na naglalaman ng hinihinalaang shabu, dalawang (2) pirasong Php100, isang (1) unit ng Honda Beat na motorsiklo na kulay pula at itim na may dalang plate no. 705UBJ at isang (1) pirasong limang daang peso bill na ginamit bilang buy-bust money.
Sa hiwalay na operasyon ay naaresto naman si Lawrence Lawas De Castro, 44 taong gulang, may asawa, at residente ng Brgy. Maahas, Los Baños, Laguna, na nagbenta ng iligal na droga sa isang pulis na nagsilbing buyer kapalit ng 500 pesos na ginamit bilang buy-bust money.
Sa isinagawang preventive search ay nakumpiska ang dalawang (2) pirasong sachet na naglalaman ng hinihinalaang shabu, isang (1) pirasong isang daang peso bill, dalawang (2) pirasong Php50, at isang (1) pirasong php500 na ginamit bilang buy-bust money.
Ang mga nasamsam na ebidensiya ay isinumite sa Crime Laboratory Office para sa forensic examination.
Samantala, patuloy ang mga kapulisan ng Laguna MPS o ng buong rehiyon na magsagawa ng kampanya laban sa illigal na droga upang maiwasan ang buhay na mapariwara.
######
-PCpl Teody Aguilos
Idol ko na talaga Ang writer
Saludo ako sa mga kapulisan