Sa pamamagitan ng Interpol Red Notice, inaresto ng Criminal Investigation and Detection Group Anti-Transnational Crime Unit (CIDG-ATCU) ang dalawang (2) Korean fugitives sa bisa ng Warrant of Deportation noong Miyerkules, Disyembre 1, 2021 sa Taguig City.
Naaresto sa magkasabay na operasyon noong Miyerkules ng umaga ang dalawang (2) suspect sa Unit 36B, 8 Forbes Road Condominium, Forbestown Road, Taguig City at sa Unit 9D, The Suites, 28th Street, Taguig City at kinilalang sina Han Juyoung, 26 taong gulang, at Gim Sihun aka Kim Sihun, 26 taong gulang na parehong mga Korean National.
Ayon sa official communication na nagmula kay Seo Seung Whan, Consul of the Embassy of Korea, ang dalawang (2) nahuling suspect ay subject of warrant of arrests for frauds na inisyu ng Republic of Korea.
Ang dalawang pugante ay mga miyembro umano ng isang telecom fraud organization na nambiktima na ng mga kapwa Koreano ng tinatayang 29 milyong Korean Won. Iniulat ng mga awtoridad ng Korea na ang mga pugante ay ginamit upang magpanggap bilang ilang tauhan ng institusyong pinansyal ng “Hyundai Capital” na sinasabing nag-aalok ng mababang interes na pautang para sa mga paunang bayad.
Batay sa Warrants of Arrest na ito, naglabas ang International Criminal Police Organization (ICPO-INTERPOL) ng Red Notice na nag-aalerto sa lahat ng ahensya ng pulisya na miyembro ng Interpol sa buong mundo na arestuhin ang mga nasabing suspek.
Ayon kay PNP Chief, Police General Dionardo Carlos, “Ang aming matatag na relasyon sa mga dayuhang ahensya ng pulisya ay nag-ambag sa tagumpay ng operasyong ito”.
Nasa kustodiya na ngayon ng Fugitive Search Unit ng Bureau of Immigration ang mga naaresto para sa kaukulang disposisyon.
####
Panulat ni: Police Master Sergeant Leah Lyn Q Valero
Salamat sa mga Alagad Ng Batas
Good job