Marcelo Green, ParaƱaque City ā Arestado ang dalawang snatchers na sakay ng motorsiklo sa isinagawang dragnet operations ng ParaƱaque City Police Station nito lamang Linggo, Hulyo 17, 2022.
Kinilala ni SPD Director, PBGen Jimili Macaraeg ang mga suspek na sina Jobert Gemodo y Carlos, 38, at Jomar Davo y Radores, 29.
Ayon kay PBGen Macaraeg, dakong 5:25 ng hapon naaresto ang mga suspek sa Block 6, Land Scape Area, Brgy. Marcelo Green, ParaƱaque City ng mga naka-deploy na beat patroller ng ParaƱaque CPS.
Ayon pa kay PBGen Macaraeg, bago mangyari ang hulihan, bandang alas-4:10 ng hapon, habang nagpapatrolya ang mga pulis sakay ng isang mobile car sa kahabaan ng Dr. A Santos Ave. corner Villanueva, Brgy. San Dionisio, ParaƱaque City, nang nilapitan sila ng isang Butch Muldez Miranda at iniulat na ang cellular phone ng kanyang kasintahan ay inagaw ng dalawang suspek na sakay ng isang motor na patungong southbound. Kung kaya agad nilang hinabol ang mga suspek papunta sa nasabing direksyon.
Nang mahuli sina Gemodo at Davo, nakumpiska sa kanila ang cellular phone ng biktima kasama ang ginamit na motorsiklo na isang Euro Sporty color Red Black na may Plate number na 378NDO, na ginamit bilang get-away vehicle.
Pinuri naman ni Regional Director, PMGen Felipe Natividad ang mga rumespondeng pulis, aniya, “Pinupuri ko ang agarang pagtugon ng Paranaque Police para mahuli ang mga suspek. Ang kanilang mabilis na pagkilos ay nagpakita kung gaano sila dedikado sa kanilang trabaho at labanan ang lahat ng uri ng kriminalidad at iba pang ilegal na aktibidad sa Metro. Ito ngayon ang resulta ng ating pinaigting na police visibility na gustong makita ng ating SILG at OIC PNP sa mga lansangan hindi lamang sa Metro Manila kundi sa buong bansa.”
Source: PIO NCRPO
###
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos