Benguet – Binigyang pugay ng Police Regional Office Cordillera ang dalawang retiring police dogs sa isinagawang “Salamat Kapatid and Kaibigan Program” sa Multi-Purpose Center, Camp Major Bado Dangwa, La Trinidad, Benguet nito lamang Setyembre 22, 2023.
Pinangunahan ang aktibidad ni Police Brigadier General Patrick Joseph Allan, Officer-In-Charge ng PRO Cordillera, katuwang si Police Colonel Ronald Gayo, DRDO, PRO Cordillera na naggawad ng Certificate of Recognition and treats sa dalawang canine honorees na sina Balsy at Zeus.
Si Zeus ay isang Belgian Malinois na naglingkod ng 7 taon sa PNP Search and Rescue Dogs. Ito ay ginawaran ng Outstanding Service Medal and Certificate of Recognition sa kanyang natatanging kontribusyon sa pagrekober ng 2 biktima sa naganap na landslide sa Antamok River, Itogon, Benguet noong Agosto 17-20, 2021.

Gayundin si Balsy na isa ring Belgian Malinois na naglingkod naman ng 9 na taon bilang PNP Explosive and Detection Dog (EDD). Siya ang kauna-unahang PRO Cordillera Police Dogs, naitalaga sa iba’t ibang probinsya ng Cordillera sa ilalim ng EOD and K9 Teams at kasama sa pagbibigay seguridad sa mga espesyal na araw o okasyon at regular na nakatalaga sa Harrison Road, Baguio City.

Samantala, tumanggap din ng medalya ng papuri sina Police Master Sergeant Arman Acangan (Balsy’s handler) at Patrolman Cyrus Backeng (Zeus’ handler) sa kanilang dedikasyon sa paggabay, pag-alaga at pagsanay sa dalawang aso.
Ang dalawang Retiring Police Dogs ay ibibigay sa pangangalaga ng mga napiling PNP personnel na magsisislbi nilang bagong tahanan pagkatapos magretiro.