Laguna – Naaresto ang dalawang Regional Most Wanted Person sa magkahiwalay na manhunt operation ng CALABARZON PNP sa Rizal at Laguna nitong Martes, Enero 17, 2023.
Kinilala ni Police Colonel Randy Glenn Silvio, Acting Provincial Director, Laguna Police Provincial Office, ang dalawang suspek na sina alyas “Sunsilk”, residente ng Morong, Rizal at alyas “Francisco”, residente naman ng Brgy. Dos Poblacion, Cabuyao City.
Ayon kay PCol Silvio, bandang 2:20 ng hapon naaresto si alyas “Sunsilk” sa Brgy. Quisao, Pililla, Rizal sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong Statutory Rape na walang rekomendasyong piyansa at Rape by Sexual Assault na may kabayaran na Php120,000 ng mga tauhan ng San Pedro City Police Station.
Samantala, bandang 6:00 ng hapon naman naaresto si alyas “Francisco” sa Brgy. Dos Poblacion, Cabuyao City, Laguna sa bisa ng Warrant of Arrest para sa paglabag sa Article II section 7 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 (4 counts) at may inirekomendang piyansa na Php200,000 sa pinagsanib na operasyon naman ng Cabuyao City Police Station, Criminal Investigation and Detention Group 4A at Regional Field Unit 4A Regional Special Operation Team.
“Akoy nagpapasalamat sa ating mga kababayan sa kanilang pagtulong at pagsuporta sa ating kapulisan para sa matagumpay na pagkakaaresto ng mga taong nagtatago sa batas”, ani PCol Silvio.
Panulat ni PEMS Joe Peter Cabugon/RPCADU 4A