Monday, November 25, 2024

2 pulis na nasugatan sa Tubungan clash ginawaran

Si Police Brigadier General Rolando F. Miranda, Regional Director, Police Regional Office 6 (PRO6), ang nagsabit ng Medalya ng Sugatang Magiting kay Police Corporal Genel Simpas at Patrolman Jessie Castamado ng 1st Iloilo Provincial Mobile Force Company (PMFC) noong Oktubre 26, 2021 sa Western Visayas Medical Center, Mandurriao, Iloilo.

Siya rin ay nagbigay ng financial assistance at nangakong sasagutin ng Police Regional Office 6 ang lahat ng hospital bill dahil sa insidente.

Noong hapon ng Oktubre 24, 2021, naka-engkwentro ang mga myembro ng 1st Iloilo PMFC base sa Barangay Mayang, Tubungan, Iloilo ng hindi mabilang na teroristang Communist Party of the Philippines – New People’s Army Terrorist (CNT) sa pangunguna ni alias “Ka Bebong” sa ilalim ng Southern Front Committee, Komite Rehiyon Panay (SFC, KRP).

Ang nabigong CNTs ay nagpasabog ng dalawang improvised explosive device na naghatid ng malaking pinsala sa kumikilos na tropa. Ang barilan ay tumagal ng halos pitong minuto. Nang maramdaman ng mga CNT na sila’y nalalamangan, sila ay nagpulasan sa iba’t-ibang direksyon at nag-atrasan.

Inihahanda ang imbestigasyon at pagsasampa ng matinding kaso laban sa mananagot na mga myembro ng CNT.

“Ang kalupitan ng CNTs ay nagpapakita na sila ay nababahala sa pagdating ng PNP sa Barangay Mayang, Tubungan, Iloilo. Hindi nila nais ang mapayapa at maunlad na komunidad. Ang kanilang mapanglinlang na aksyon ay nagpapatunay na sila ay humihina at desperado na na ipakitang sila ay malakas pa rin at may kakayahan pang pwersa, gayung hindi naman,” pahayag ni PBGen. Miranda.

“Nais kong ipahatid ang aking pasasalamat sa tropa na magiting na tinapatan ang  CNTs. Sa kabila ng mga hinaharap na hamon, sinisiguro namin sa inyo na ang PNP ay hindi hihinto sa pagtupad sa kanyang madato para mapanatili ang seguridad at kapayapaan at kaayusan sa mga komunidad,” pahayag ni PBGen. Miranda ng kanyang pinapurian ang mga tauhan ng 1st Iloilo PMFC.

#####

PR06-PIO / Isinalin sa Tagalog ni NUP Loreto B. Concepcion

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,310SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles