Taguig City — Arestado ang dalawang lalaking pintor kung saan nakumpiska sa kanilang posisyon ang tinatayang Php340,680 halaga ng shabu sa isinagawang Oplan Galugad ng Taguig City Police Station nito lamang Miyerkules, Nobyembre 2, 2022.
Kinilala ni PBGen Kirby John Kraft, Southern Police District Director, ang mga suspek na sina Zaldy Calupas y Javier, 37, at Ronnel Trapago y Quinto, 34 anyos.
Ayon kay PBGen Kraft, bandang alas-6:00 ng gabi naaresto sina Calupas at Trapago sa kahabaan ng BPTHAI 1, Barangay Ibayo Tipas, Taguig City ng Sub-Station 5 ng Taguig CPS.
Nakumpiska sa dalawang pintor ang anim na medium sized at isang maliit na heat-sealed transparent plastic sachet ng hinihinalang shabu na humigit kumulang 50.1 gramo na may Standard Drug Price value na Php340,680, isang black digital weighing scale, isang pink pouch at isang super caliber .38 pistol na may isang magazine kargado ng apat na bala.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Sec. 11 ng Art. II ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
Tiniyak ng Southern Police District na patuloy ang kanilang pagsasagawa ng operasyon kontra ilegal na droga at anumang uri ng kriminalidad sa Southern Metro upang makamit ang isang tahimik, maunlad, ligtas at mapayapang komunidad.
Source: SOUTHERN POLICE DISTRICT
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos