Dahil sa mas pinaigting na operasyon ng PNP kontra insurhensiya, dalawang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang muli na namang sumuko sa ating kapulisan at kasundaluhan sa Sitio Loot, Barangay Poblacion, Malapatan, Sarangani Province nito lamang Abril 1, 2024.
Kinilala ni Police Brigadier General Percival Augustus P Placer, Regional Director ng Police Regional Office (PRO) 12, ang mga sumuko na sina alyas “Randy”, 26, Platoon leader ng Guerilla Font-TALA ng Far South Mindanao Region at ang kasamahan nito na si alyas “M1”, 41 anyos, na kapwa residente ng Barangay Upper Suyan, Malapatan, Sarangani Province.
Ayon sa mga sumuko, dahil sa hirap na dinanas ng mga ito mula sa kamay ng teroristang grupo at sa mas magandang buhay na kinakaharap ng mga dati nilang kasamahan na naunang ng nagbalik-loob sa pamahalaan ang nag-udyok sa kanila para magbalik-loob sa gobyerno.
Napadali ang pagbabalik-loob ng mga ito dahil sa tulong ng mga tauhan ng Alpha Company 73rd Infantry Battalion, 10th Infantry Division, Philippine Army, 1st Sarangani Provincial Mobile Force Company, Malapatan MPS, Sarangani PIB, at RID 12.
Dahil dito, sasailalim ang mga Former Rebel sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program o E-CLIP ng gobyerno para tuluyan na silang makapagbagong buhay.
Samantala, hinihikayat naman ni PBGen Placer ang mga natitira pang miyembro o tagasuporta ng teroristang grupo na sumuko na at yakapin ang inaalok na tulong ng gobyerno para sa tunay na pagbabago at mas maunlad na bagong Pilipinas.
Panulat ni Patrolman Khnerwin Jay A Medelin
Good job PNP