Oriental Mindoro – Boluntaryong sumuko ang dalawang miyembro ng Milisyang Bayan sa kapulisan ng MIMAROPA sa Oriental Mindoro nitong Miyerkules, Mayo 25, 2022.
Kinilala ni Police Colonel Rolando Lampad, Regional Mobile Force Battalion 4B Commander, ang dalawang boluntaryong sumuko na sina “Ka Apoy”, 51, at “Ka Paniki”, 46, pawang mga residente ng Magsaysay, Occidental Mindoro.
Ayon kay PCol Lampad, boluntaryong sumuko ang dalawa sa mga tauhan ng 403rd B Maneuver Company sa pangunguna ni Police Captain Aries-Joi Adorio sa Barangay Cabalwa, Mansalay, Oriental Mindoro.
Ayon pa kay PCol Lampad naging madali at matagumpay ang pagsuko ng mga nasabing miyembro ng Milisyang Bayan dahil sa patuloy na pakikipag negosasyon ng Regional Mobile Force Battalion, 105th Special Action Company sa ilalim ng 10th SAB, PNP-SAF, Regional Intelligence Unit 4B, Provincial Intelligence Unit, 2nd Provincial Mobile Force Company, at Mansalay Municipal Police Station sa ilalim ng Oriental Mindoro Police Provincial Office, Regional Intelligence Division ng PRO MIMAROPA, Military Intelligence Company at 4IB, 203rd Infantry Brigade ng Philippine Army.
Nasa kustodiya na ngayon ng RMFB 4B ang nasabing mga sumuko para sa debriefing bago ang kanilang enrollment sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP).
Samantala, pinuri naman ni Police Brigadier General Sidney Hernai, Police Regional Office MIMAROPA Director ang mga kinauukulang yunit para sa matagumpay na pagsuko ng mga ito.
“Ito ay direktang resulta ng walang humpay na kampanya ng PNP kontra-insurhensya, sa aktibong pakikipagtulungan sa Philippine Army, at iba pang ahensya ng gobyerno sa ilalim ng NTF-ELCAC (National Task Force to End Local Communist Armed Conflict). At binabati ko ang ating mga tauhan para sa kahanga-hangang tagumpay na ito. Hinihimok ko ang iba pang miyembro ng CTG na sumuko na at tamasahin ang buhay ng isang malayang mamamayan”.
Source: RPIO MIMAROPA
###
Panulat ni Patrolman Jorge Michael C Bardiago