Patay ang dalawang (2) pinaghihinalaang miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) matapos ang kanilang engkwentro sa mga kasundaluhan mula sa 69th Infantry Battalion at mga kapulisan ng Besao Municipal Police Station (MPS) at Mountain Province Provicial Mobile Force Company (PMFC) noong Oktubre 30 taong kasalukuyan sa Brgy. Gueday, Besao, Mountain Province.
Ayon sa ulat, habang ang mga nasabing kasundaluhan at kapulisan ay nagsasagawa ng Combat Operation sa naturang lugar nang kanilang makaengkwentro ang nasa mahigit kumulang sampung (10) miyembro ng CTG na pinaniniwalaang mula sa Kilusang Larangang Guerilla Abra-Mt. Province-Ilocos Sur (KLG-AMPIS).
Ang naturang engkwentro ay nagtagal ng sampung minuto hanggang sa umatras ang mga miyembro ng CTG kung saan walang naitalang Killed in Action (KIA) o Wounded in Action (WIA) mula sa mga kapulisan at kasundaluhan habang dalawa (2) naman ang binawian ng buhay mula sa mga miyembro ng CTG.
Ang mga kagamitan na narekober mula sa engkwentro ay dalawang (2) R4 long firearms, dalawang (2) bandolier, apat (4) na long magazine, anim (6) na short magazine, dalawang (2) ICOM handheld radio, medical kit, dalawang (2) sako ng bigas, cell phone batteries, isang (1) flashlight at sling bag.
CTTO: Pnp Mt province PIO
####
Article by Police Corporal Melody L Pineda