Tuluyan nang winakasan ang pakikibaka at nagbalik-loob sa pamahalaan ang dalawang miyembro ng Communist Terrorist Group sa Brgy. Imelda, Mondragon, Northern Samar nito lamang ika-17 ng Enero 2024.
Ang kanilang pagbabalik-loob ay resulta ng patuloy na panawagan at negosasyon ng mga tauhan ng 803rd MC RMFB8 sa pangunguna ni PCpt Solomon Agayso, Officer-In-Charge, kasama ang 2nd Northern Samar PMFC, 125SAC, 12SAB, PNP-SAF, RIU8 at Mondragon MPS.
Samantala, nakatanggap naman sila ng agarang tulong pinansyal mula sa kapulisan.
Ang mga nagbalik-loob ay nasa kustodiya ng 803rd MC RMFB 8 para sa dokumentasyon bago sumailalim sa programa ng ating gobyerno na Enhanced Comprehensive Local Integration Program o E-CLIP.
Muling hinimok ng mga alagad ng batas ang iba pang mga miyembro at tagasuporta ng CTGs na iwaksi ang maling ideolohiya at magbalik-loob sa gobyerno upang makasama ang kanilang mga mahal sa buhay at mamuhay ng mapayapa.
Panulat ni Patrolwoman Ma. Elena B Singian