Friday, November 29, 2024

2 Miyembro ng CTG Front Organization (CFO) boluntaryong sumuko sa PNP

Laguna — Boluntaryong sumuko ang dalawang miyembro ng CTG Front Organization (CFO) sa mga otoridad nito lamang ika-16 ng Nobyembre 2022.

Ayon kay PBGen Jonnel Estomo, Acting Regional Director ng NCRPO, ang dalawang miyembro ng ANAKBAYAN-Bay, Laguna, PSR-Listed CTG Front Organization (CFO) ay pinangalanang alyas “Lendy”, 25, babae at alyas “Mariz”, 28, babae.

Ayon pa kay PBGen Estomo, bandang 12:00 ng tanghali ay sumuko ang dalawa sa Barangay Tranca, Bay, Laguna sa mga tauhan ng RIU-4A (PIT Laguna- lead unit) kasama ang Poblacion Substation Makati CPS at PIU Laguna PPO.

Samantala, ang dalawang miyembro ay kusang sumuko at binawi ang kanilang suporta sa makakaliwang organisasyon at napag-alaman na noong 2012, sila ay na-recruit ni alyas “Jasmin”, isang CFO member at isang organizer/recruiter ng ANAKBAYAN sa Laguna.

Nasa ilalim na ngayon ng proteksyon ng PIT Laguna ang mga sumuko para sa tactical interview, dokumentasyon at proper disposition.

Pahayag naman ni PBGen Estomo, “Magtulungan po tayo at ituloy lang natin ang ating mga naumpisahan kasama ang iba pang ahensya ng gobyerno upang magtagumpay tayo sa maayos at tahimik na bansa. Kaya patuloy po akong nanawagan sa mga nais sumuko sa gobyerno na bukas ang pintuan ng NCRPO para sa inyo at sinisigurado ko ang inyong tiyak na kaligtasan pati ng inyong pamilya.”

Source: PIO NCRPO

Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,310SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles