General Santos City – Swak sa selda ng General Santos City Police Station 1 ang dalawang lineman matapos maaktuhang ninanakaw ang kable ng PLDT, Inc. (Philippine Long Distance Telephone Company) sa Macopa Street, Brgy. Dadiangas North, General Santos City nito lamang ika-7 ng Abril 2023.
Kinilala ni Police Major Wesley Matillano, Station Commander ng Police Station 1, ang dalawang suspek na sina alias “Mauricio”, 33, Line man at alias “Rico”, 24, may asawa at pawang residente ng nasabing lungsod.
Ayon kay PMaj Matillano, dakong alas 2:30 ng hapon nang nakatanggap ng reklamo ang kanilang hanay tungkol sa ginagawang pagputol at pagnanakaw ng mga suspek sa kable ng PLDT sa naturang lugar.
Agad namang nirespondehan ng pulisya at naaktuhan ang ginagawang pagnanakaw ng mga suspek ng PLDT cable wire at agarang inaresto.
Aabot sa 200 pares ng PLDT copper cable at nasa 200 na metro na may tinatayang halaga na Php40,000 at mga kagamitan na ginamit sa pagnanakaw.
Hinihikayat ng PNP ang mamamayan na aktibong makiisa at suportahan ang mga programa sa anti-criminality campaign upang mapanatiling ligtas at maayos ang komunidad sa anumang uri ng krimen.
Panulat ni Patrolman Khnerwin Jay Medelin/RPCADU12