Cebu – Kalaboso ang dalawang lalaking wanted sa kasong Rape matapos maaresto sa halos magkasunod na operasyon na ikinasa ng kapulisan ng Mandaue City, Cebu noong Miyerkules, Setyembre 6, 2023.
Sa operasyon na pinangunahan ni Police Captain Jessie Tañola, Deputy Station Commander ng Police Station 2, Mandaue City Police Office, dakong ala-1:15 ng hapon sa Brgy. Maghaway, Talisay City naaresto ang akusado na si “Renan”, 33 taong gulang.
Ilang minuto lamang ang nakalipas, bandang alas-2 ng hapon sa Brgy. Manduang, Minglanilla City ay nadakip naman si “Gerarld”, 38 anyos.
Ang mga akusado ay kapwa inaresto sa bisa ng Warrant of Arrest na iniysu Hon. Marc Joseph A. Quirante, Presiding Judge, RTC Br. 88, Mandaue City.
Inabisuhan na ng mga awtoridad ang naturang korte sa pagkakaaresto ng mga akusado na ngayon ay nasa kostudiya ng nasabing istasyon.
Sa patuloy na pakikipag-ugnayan ng komunidad, ang Mandaue City PNP ay hindi tumitigil sa pagsugpo ng lahat ng kriminalidad at pagtunton sa mga personalidad na may pananagutan sa batas.