Palawan – Timbog ang dalawang lalaki na nagpuslit ng ilegal na sigarilyo sa isinagawang operasyon ng EspaƱola Municipal Police Station sa Brgy. Abo-abo, Sofronio EspaƱola, Palawan noong ika-1 ng Agosto 2023.
Kinilala ni Police Major Bernard Dela Rosa, Officer-In-Charge ng EspaƱola MPS, ang mga suspek na si alyas “Ladja”, 26, residente ng SofroƱio EspaƱola, Palawan at si alyas “Mahadel”, 27, esidente ng Brooke’s Point, Palawan.
Ayon kay PMaj Dela Rosa, naaresto ang mga suspek sa isinagawang operasyon ng pinagsanib na puwersa ng mga tauhan ng EspaƱola MPS, Palawan PDEU, Provincial Intelligence Unit at Bantay Palawan Task Force.
Ayon pa kay PMaj Dela Rosa, narekober at kinumpiska mula sa posisyon, kontrol, at pangangalaga ng mga suspek ang isang (1) Toyota Hiace Commuter Van, kulay puti, na may kargang tatlumpu’t-dalawang (32) kaha ng New Berlin Cigarettes na may tinatayang halagang Php448,000 at 14 na kaha ng Fort Cigarettes na may tinatayang halagang Php196,000.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA No. 10643 o kilala bilang “The Graphic Health Warning Law”.
Ang ating PNP ay hindi titigil sa paglaban sa mga may pagkakasala sa batas at iba pang ilegal na aktibidad para manatiling ligtas at maayos ang komunidad.
Panulat ni Patrolman Erwin Calaus