Las PiƱas City – Arestado ang dalawang lalake matapos lumabag sa unang araw ng gun ban na ipinapatupad ng Commission on Elections (COMELEC) para sa darating na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections nito lamang Martes, Agosto 29, 2023.
Kinilala ni PBGen Roderick Mariano, District Director ng Southern Police District, ang mga suspek na sina Felizardo, 25 anyos at Jameson, 32 anyos.
Ayon kay PBGen Mariano, ang mga tauhan ng Tactical Motorcycle Riding Unit (TMRU) kasama ang HPGFMI Force Multiplier ay nagsagawa ng Oplan Sita bandang 12:50 ng madaling araw sa harap ng DoƱa Julita sa kahabaan ng Naga Road, Pulang-lupa 2, Las PiƱas City nang i-flag down ang dalawa na sakay ng motorsiklo na walang helmet. Sa halip na sumunod sa mga alagad ng batas, umiwas at tumakas ang mga suspek na humantong sa maikling habulan.
Nakumpiska sa kanila ng mga awtoridad ang isang 38 revolver, switch blade, motorsiklo, bolt cutter at surgical scissor. Nabigo ang mga suspek na magpakita ng katibayan sa awtoridad kaya agad silang inaresto.
Ang mga suspek ay mahaharap sa mga reklamo sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act at BP6 kaugnay sa Omnibus Election Code.
āKami ay buong kababaang-loob na humihiling sa publiko na ganap na makipagtulungan sa election gun ban at iwasang magdala ng mga baril at nakamamatay na armas dahil ang SPD ay mananatiling nakatuon sa pagtiyak ng panuntunan ng batas upang matiyak ang ligtas na kapaligiran na naghihikayat sa isang patas at walang karahasan na halalan,” ani PBGen Mariano.
Source: SPD PIO
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos