ParaƱaque City ā Arestado ang dalawang Indian Nationals na suspek sa robbery hold-up incident sa isinagawang follow-up operation ng Las PiƱas City Police Station nito lamang Martes, Hunyo 7, 2022.
Pinuri ni Police Major General Felipe Natividad ang naturang istasyon sa pamumuno ni Police Colonel Jaime Santos, ang matagumpay na pagdakip sa mga suspek.
Kinilala ni PMGen Natividad ang mga suspek na sina Manpreet Singh alyas “Ricky”, 22 at Mandeep Singh alyas “Jimmy”, 33.
Ayon kay PMGen Natividad, bandang alas-2:00 ng madaling araw nahuli ang mga suspek sa kahabaan ng Blk 10 Lot 12 Alliage Drive, SAVVY 25, Brgy. Marcelo, Paranaque City.
Batay sa imbestigasyon, bandang 9:00 ng umaga noong Hunyo 5, 2022, nang nangyari ang insidente ng robbery hold-up sa kahabaan ng Pomelo St., Brgy. Talon 5, Las Pinas City kung saan isang biktima na kinilalang si Suchain Singh, lalaki, 32, isa ring Indian National ang ninakawan ng mga nabanggit na suspek.
Ayon pa kay PMGen Natividad, nanlaban umano ang biktima na nagtulak sa isa sa mga armadong suspek na barilin ito at tinamaan ang ibabang kaliwang bahagi ng katawan ng biktima. Agad namang tumakas ang mga suspek sakay ng Yamaha motorcycle color black dala ang pera ng biktima na humigit-kumulang Php20,000 at ang armas na ginamit.
Sa tulong ng CCTV footages, nakita ang mga suspek na sakay ng nasabing motorsiklo sa kahabaan ng Guyabano Street at Marcos Alvares Ave.
Gayunpaman, pagdating sa Las PiƱas Medical Center ay bumaba ang isa sa mga (back ride) suspek at sumakay sa taxi na may plate number na UWN 786.
Dito, nagsagawa ng follow-up operation ang mga operatiba at sa tulong ng mga saksi, nadakip nila ang isa sa mga suspek at narekober ang isang (1) unit na Yamaha sniper motorcycle na kulay itim at walang plate number.
āPinupuri ko ang mga operatiba ng Las Pinas Police sa kanilang agarang pagresponde para arestuhin ang mga suspek. Nais ko ring ipaabot ang aking pasasalamat sa publiko sa patuloy na pakikibahagi sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa komunidad sa pamamagitan ng pagbibigay impormasyon sa pulisya”, ani PMGen Natividad.
###
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos