Nasakote ng mga operatiba ng Makati City Police Station Drug Enforcement Unit ang dalawang High Value Individual (HVI) sa ikinasang buy-bust operation at narekober ang malaking halaga ng shabu nito lamang Biyernes, Oktubre 17, 2024.
Kinilala ni Police Brigadier General Bernard Yang, District Director ng Southern Police District, ang mga suspek na sina alyas “Badong”, 48, at alyas “Eric”, 39.
Naganap ang operasyon bandang 2:04 ng tanghali sa Barangay Guadalupe Nuevo, Makati na humantong sa pagkakasamsam ng 60 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang may street value na Php408,000, isang Php1,000 bill na genuine buy-bust money, Php79,000 bill na boodle money, at isang cellphone na ginamit sa transaksyon.
Ang mga suspek ay mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o kilala bilang “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.
Patuloy ang Southern Metro Cops sa pagpaigting ng kampanya laban sa ilegal na droga na walang ibang dala sa bayan kundi ugat ng karahasan at pagkasira ng magandang kinabukasan ng ating mga kabataan.
Source: SD PIO
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos