Timbog ang dalawang High Value Individual (HVI) at dalawa pang kasama nito sa operasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency 10 at City Drug Enforcement Unit – Oroquieta City PNP sa Purok 1, Brgy. Taboc Norte, Oroquieta City, Misamis Occidental nito lamang Enero 10, 2024.
Kinilala ni Police Major Roland Donor, Officer-In-Charge ng Oroquieta City Police Station, ang mga suspek na 52 anyos na lalaki na residente ng Poblacion Baroy, Lanao del Norte at 29 anyos na babae na pawang High Value Individual at dalawa pang indibidwal na 21 anyos at 53 anyos na mga residente naman ng Taboc Sur, Oroquieta City, Misamis Occidental.
Dakong 7:40 ng gabi nang madakip ang mga suspek sa ikinasang joint buy-bust ng operatiba ng PDEA ROX katuwang ang City Drug Enforcement Unit – Oroquieta City PNP, PDEU – Misamis Occidental PNP; Provincial Intelligence Unit – Misamis Occidental at 1st PMFC – Misamis Occidental.
Sa nasabing operasyon, nakuha ang nasa kabuang 20 pakete ng hinihinalang shabu; isang Php1,000; 14 na piraso ng Php1,000 bill na ginamit bilang buy-bust money na may street value na Php81,600 na may bigat na 12 na gramo at mga drug paraphernalia.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang matagumpay na operasyon ay bunga ng nagkakaisang layunin ng Misamis Occidental PNP at iba pang ahensya ng pamahalaan sa mandato na labanan ang ilegal na droga at kriminalidad upang mapanatili ang ligtas at payapa ang komunidad.