Monday, May 19, 2025

2 High Value Individual, timbog sa buy-bust sa Baguio City; Php612K halaga ng shabu, nasamsam

Timbog ang dalawang hinihinalang High Value Individual (HVI) sa ikinasang drug buy-bust operation ng mga otoridad sa Sta. Escolastica Village, Baguio City nito lamang hapon ng Mayo 16, 2025.

Kinilala ni Police Brigadier General David K Peredo Jr., Regional Director ng Police Regional Office Cordillera Administrative Region (PRO CAR), ang mga naarestong suspek na isang 38-anyos na babae, residente ng Sta. Escolastica Village at isang 41 anyos na lalaki, isang street vendor mula sa Camp 8, Baguio City, pawang naitala bilang High Value Individuals sa nasabing rehiyon.

Batay sa ulat, naging matagumpay ang operasyon sa pinagsanib na pwersa ng mga operatiba na pinangunahan ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency CAR Baguio at Benguet Provincial Office, Baguio City Police Office, Police Station 4, PNP DEG CAR, City Drug Enforcement Unit, City Intelligence Unit, Baguio, Regional Intelligence Unit 14 at ng Technical Support Company ng RMFB 15 Cordillera.

Nasamsam mula sa mga suspek ang tinatayang 90 gramo ng hinihinalang shabu na may street value na humigit kumulang Php612,000, isang sachet na may lamang 50 gramo na hinihinalang ibebenta (subject of sale) at isa pang knot-tied plastic na may 40 gramo (possession), isang piraso ng tunay na Php1,000 bill at 79 pirasong Php1,000 bill na ginamit bilang boodle money, tatlong android cellphone, at iba pang non-drug evidence.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002” ang mga suspek.

Patuloy ang mas pinaigting na kampanya ng Police Regional Office Cordillera (PRO-COR) laban sa iligal na droga bilang pagsuporta sa adhikain ng kasalukuyang administrasyon na gawing drug-free ang buong bansa tungo sa isang mapayapa at maunlad na komunidad.

Leave a Reply

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,570SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles