Cembo, Makati City — Arestado ang dalawang lalaking estudyante na tinaguriang High Value Individuals (HVIs) sa buy-bust operation ng mga otoridad nito lamang Huwebes, Hunyo 30, 2022.
Kinilala ni PBGen Jimili Macaraeg, SPD Director, ang mga suspek na sina Christian Perez y Dejumo alyas “Itan,” 22 taong gulang at Alexandrew Gayagoy alyas “Leklek,” 21 taong gulang.
Ayon kay PBGen Macaraeg, nahuli sina Perez at Gayagoy bandang 9:37 ng gabi sa Tanguile St., Barangay Cembo, Makati City ng pinagsanib puwersa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit ng Makati City Police Station kasama ang mga tauhan ng Station Intelligence Section at West Rembo Sub-Station.
Ayon pa kay SPD Director, narekober sa dalawang estudyante ang isang bundle ng hinihinalang pinatuyong marijuana na nakabalot sa plastic cling wrap na may tape na tinatayang may bigat na 1,250 gramo at may Standard Drug Price na Php144,000, isang tunay na Php1,000 buy-bust money, Php27,000 na ginamit bilang boodle money at blue back pack.
Sasampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga naarestong suspek habang ang mga nakuhang ebidensya ay itinurn-over sa SPD Forensic Unit para sa chemical analysis.
“Nakakalungkot isipin na ang dalawa sana na ito ay dapat nag-aaral ng mabuti ngunit sila ay naaresto dahil sa drug trade. Umaasa ako na ito na ang huli kong maririnig na mga mag-aaral na sangkot sa anumang aktibidad ng ilegal na droga at nakikiusap din ako sa mga magulang na gabayan nyo ang inyong mga anak. Ang inyong responsibilidad bilang magulang ay may mahalagang papel pagdating sa pag-iwas nila sa droga. Iligtas natin ang ating kabataan dahil sila ang ating magiging mga pinuno pagdating ng araw,” ani pa ni PBGen Macaraeg.
Source: SPD PIO
###
Panulat ni PSSg Remelin Gargantos