Tacloban City – Arestado ng mga tauhan ng Tacloban City Police Station 2 ang dalawang drug peddler sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay 91 Abucay, Tacloban City noong ika-9 ng Oktubre 2022.
Kinilala ni Police Major Winrich Laya A Lim, Hepe ng Tacloban City Police Station 2, ang mga naaresto na sina alyas “Kusa”, isang High Value Target at alyas “Christian” na kabilang sa Street Level Individual.
Ayon kay PMaj Lim, ang mga suspek ay naaresto ng mga operatiba ng Special Drug Enforcement Unit – Tacloban City PS2 sa pangunguna ni Police Lieutenant Rey Baldicano Jr at sa koordinasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office 8.
Ayon pa kay PMaj Lim, nakumpiska sa mga naaresto ang walong pirasong small heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu na tumitimbang ng higit o kulang 1 gramo na may estimated market value na Php10,000 at isang unit ng caliber 45 pistol Colt na may serial number 308119 na may tatlong rounds ng live ammunition.
Ang mga naaresto ay nahaharap sa kasong paglabag sa Sec. 5 at 11 Art. II ng R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at RA 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
Tiniyak naman ng Tacloban City PNP na patuloy pa nilang paiigtingin ang kampanya laban sa lahat ng uri ng ipinagbabawal na droga sa kanilang nasasakupan upang masiguro ang kaligtasan ng lahat at mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa buong komunidad.
Panulat ni Patrolwoman Rialyn B Valdez