Mandaluyong City — Nagsagawa ng dalawang araw na P.R.O.T.E.C.T Seminar ang Mandaluyong City Police Station sa SM Mega Mall, Wack-Wack Greenhills, Mandaluyong City bandang 8:00 ng umaga nito lamang Biyernes, Agosto 5, 2022
Ang naturang aktibidad ay inisyatiba ng Sub-Station 3 na pinamumunuan ni Police Captain Amante D Jimenez, Acting Chief.
Dinaluhan ito ng 175 na mga empleyado at Security Guard sa nasabing mall.
Ang mga kalahok ay sinanay kung paano protektahan at pangalagaan ang pinangyarihan ng krimen kung saan tinuruan din sila tungkol sa citizen arrest, search and seizure at mga tungkulin ng security guard ayon sa mandato ng PNP SOSIA.
Maituturing na first responder ang mga kalahok kung sakaling magkaroon ng insidente sa kanilang pinagtatrabahuan kung kaya malaki ang maitutulong ng seminar na ito sa kanila.
Patuloy namang magsasagawa ang pulisya ng Mandaluyong ng ganitong programa upang matulungan ang mga empleyado ng sa gayo’y matulungan din sila ng mga ito na maisangguni agad sa kanilang himpilan ang anumang insidente.
Source: Wack-wack Sub-Station 3
###
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos