Nagsagawa ng 2-day Community Outreach Program ang himpilan ng Del Carmen Municipal Police Station sa pangunguna ni Police Lieutenant Mary Jane D Valenzuela at sa pakikipagtulungan ng Solaire Resorts and Casino sa 840 na apektadong pamilya sa bayan ng Del Carmen, Surigao del Norte.
Unang nakatanggap ang 480 na pamilyang apektado ng nagdaang Super Typhoon “Odette” ng food packs sa Brgy. Caub nitong ika-16 ng Enero ng taong kasalukuyan.
At 360 namang pamilya ang naging benepisyaryo ng mga kulambo na mula sa stakeholder na Solaire Resorts and Casino sa Sitio Alingit, Brgy. Del Carmen nang sumunod na araw, Enero 17, 2022.
Sa pakikipagtulungan ng mga pribadong organisasyon at iba’t ibang stakeholders ay nagiging posibleng maiangat ang kalagayan ng mga kababayan na naging biktima ng kalamidad.
#####
Tunay n malasakit yan ang mga pulisya..saludo kami