Laguna – Aktibong isinagawa ng Police Regional Office CALABARZON ang dalawang araw na Bloodletting Activity na may temang “Dugong Handog ng Kapulisan, Dugtong Buhay para sa ating Kababayan” sa PRO 4A Covered Court, Camp BGen Vicente Lim, Calamba City nito lamang Nobyembre 22-23, 2023.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Colonel Mariano Rodriguez, Chief of the Regional Staff, na inorganisa ng Regional Community Affairs and Development Division 4A katuwang ang Philippine National Red Cross.

Dumaan sa iba’t ibang screening ang mga lumahok na galing pa sa iba’t ibang istasyon o opisina ng PRO CALABARZON upang masiguro ang kanilang kaligtasan pati na rin ang mga benepisyaryo ng nalikom na dugo.
Layunin nitong makalikom, makatulong at makapagbahagi ng libreng dugo sa mga pasyenteng may malubhang karamdaman at nangangailangan ng dugo upang madugtungan ang kanilang buhay.
Source: Police Regional Office 4A
Panulat ni Police Staff Sergeant Donabel Dulin