Los Banos, Laguna – Boluntaryong sumuko ang dalawang miyembro ng Communist Terrorist Group sa joint effort ng PNP at AFP sa Regional Mobile Force Battalion 4A Headquarters sa Camp Sakay, Brgy. Lalakay, Los Banos, Laguna nito lamang Martes, Agosto 2, 2022.
Kinilala ni Police Colonel Ledon Monte, Force Commander ng Regional Mobile Force Battalion 4A, ang dalawang sumuko na sina alyas āAthanā, miyembro ng SPL (Sangay ng Partido Lokalidad) sa Talisay, Batangas at Local Youth Organizer ng Kabataan Party list sa Sitio Kamantige, Tumaway Talisay, Batangas, at alyas āBuloy/Jackā, miyembro ng New Peopleās Army (NPA) ng Apolonio Mendoza Command, Quezon at miyembro ng SPL (Sangay ng Partido Lokalidad) sa Talisay, Batangas.
Kasabay ng kanilang pagsuko ay ang pag turn-over sa awtoridad ng baril, magazine, at mga bala.
Ang matagumpay na pagsuko ng dalawang dating rebelde ay dahil sa pagsisikap at pakikipag-ugnayan ng pinagsanib na pwersa ng Regional Mobile Force Battalion 4A, C2, Air Education Training and Doctrine Command, Philippine Air Force, Naval Intelligence Security Group Southern Luzon, Philippine Navy Islander, Special Action Company 82nd Rapid Deployment Battalion, Regional Intelligence Division 4A, Batangas Police Provincial Office (PIU & 1st BPMFC), Regional Intelligence Unit 4A, at Regional Police Community Affairs and Development Unit 4A.
Nakatanggap ng paunang tulong tulad ng cash incentives at dry goods ang dalawang rebelde habang inihahanda ang mga kaukulang dokumento para isailalim sa programa ng gobyerno na Enhanced Comprehensive Local Integration Program o E-CLIP.
###
Panulat ni Police Corporal Ronel Pabo