Northern Samar – Boluntaryong sumuko ang dalawang miyembro ng Communist Terrorist Group sa mga tauhan ng 803rd Maneuver Company ng Regional Mobile Force Battalion 8 sa Brgy. Suba, Poblacion 1, Silvino Lubos, Northern Samar nitong Biyernes, Nobyembre 18, 2022.
Kinilala ni Police Captain Wilson Hilvano, Officer-In-Charge ng 803rd MC, ang mga sumuko na sina alyas “Jamang” at alyas “Mayta” na parehong miyembro ng NPSR CN: BUHAWI, FC-2 SRC EMPORIUM at EVRPC.
Ayon kay PCpt Hilvano, sa pinaigting na Anti-Insurgency Campaign at Intel driven operations ng 803rd Maneuver Company ay matagumpay na nakumbinsi ang mga ito na sumuko at magbalik-loob sa ating pamahalaan kasabay ng pagturn-over ng isang unit ng cal. 357 Magnum at apat na live ammunition.
Ang kanilang pagsuko ay isang malinaw na pagpapakita sa bisa ng “Whole of the Nation Approach to End Insurgency” sa ilalim ng EO 70 na nagpapatibay sa NTF-ELCAC gayundin sa walang humpay na pagsisikap ng ating mga kapulisan.
Samantala, ang nasabing mga surrenderees ay nasa ilalim ng pansamantalang proteksyon ng Regional Mobile Force Battalion 8, habang inihahanda ang mga kinakailangang dokumento para ma-qualify ang kanilang enrollment para sa Enhanced – Comprehensive Local Integration Programs DC at Local and Social Integration Program ng Northern Samar Provincial Government Office.
Mensahe ni Police Lieutenant Colonel Eugene Rebadomia, Officer-In-Charge, RMFB8, “We welcome you back to a peaceful society as you will no longer be fighting against an armed struggle with our state forces. We assure you that we will guide you to start a new life with your families. To our brothers and sisters who are still struggling in the mountains, I urge you to lay down your arms while you still have a chance, help us end the loss of lives from both sides by heading towards the righteous path”.