Boluntaryong nagbalik-loob ang dalawang miyembro ng Communist Terrorist Group sa mga tauhan ng 1st Zamboanga Del Sur Provincial Mobile Force Company, Zamboanga Del Sur Provincial Intelligence Unit at Dumingag Municipal Police Station sa Dumingag, Zamboanga del Sur nito lamang ika-13 ng Hunyo 2024.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Jason M Apana, Force Commander ng 1st Zamboanga del Sur Provincial Mobile Force Company, ang mga nagbalik-loob na sina alyas “Gaga”, 46 anyos, walang asawa, residente ng Purok 3, Sitio Kumpayan, Dapiwak, Dumingag, Zamboanga del Sur at si alyas “Sidoy”, 33 anyos, may asawa, residente naman ng Purok 5, Dumingag, Zamboanga del Sur at pawang mga taga-suporta ng Grupo Tig Organiza sa ilalim ng Sangay Partido Lokalidad ng GF BBC, WMRPC.
Kasabay ng pagbabalik-loob ni “Ka Sidoy” ay boluntaryo rin nitong isinuko ang isang yunit ng hand grenade.
Hinimok ng ating pulisya ang mga natitirang miyembro ng CTG na sumuko at gamitin ang tulong na iniaalok ng gobyerno sa pamamagitan ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program o E-CLIP at iba pang programa ng kasalukuyang administrasyon upang matulungang magkaroon ng bagong pananaw at mapayapang pamumuhay kasama ang kanilang pamilya tungo sa maunlad na Bagong Pilipinas