Monday, November 18, 2024

2 bisikleta ipinamahagi ng 1st Ifugao PMFC

Ifugao – Malugod na inihatid ng 1st Ifugao Provincial Mobile Force Company ang dalawang bisikleta sa mga napiling benepisyaryo sa Tuplac, Kiangan, Ifugao nito lamang ika-4 ng Enero 2023.

Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Cesar Mallong, Force Commander ng 1st Ifugao PMFC ang unang benepisyaryo na sina Ginoong at Ginang Edgar Guiniling, tubong Tuplac, Kiangan, magsasaka at may anim na anak na nag-aaral habang ang pangalawang benepisyaryo ay si Ginoong Jecson Bucca, isang working student na kasalukuyang nag-aaral sa Hapid National High School-Bimpal Annex kung saan siya ay nglalakad araw-araw mula sa kanilang bahay patungo sa paaralan.

Ayon kay PLtCol Mallong, ang mga bisikleta ay mula sa karagdagang award ni Police Captain Christopher Lalan ng 1st IPMFC bilang Criminologist of the Year Award na iginawad ng Carl E. Balita Foundation Incorporated Gawad Banyuhay ng Katarungan noong Disyembre 12, 2022.

Ayon pa kay PLtCol Mallong, dahil sa kabutihang loob ni Police Captain Lalan ay nagpasya itong ibahagi ang dalawang bisikletang napanalunan sa mga estudyanteng higit na nangangailangan.

Laking tuwa at pasasalamat ng mga benepisyaryo dahil ang mga bisikleta ay lubos na kapaki-pakinabang at nangako ang mga ito na lalong pagbutihin ang kanilang pag-aaral upang makamit ang kanilang mga pangarap at makatulong sa kapwa.

Samantala, iginiit ni PLtCol Mallong na hindi lamang sa panahon ng pasko nagpapakita ng malasakit ang mga tauhan ng 1st IPMFC sapagkat  mas lalo nitong pagtitibayin ang pagbibigay ng inspirasyon upang himukin ang mga mag-aaral na mag-aral ng mabuti para sa kanilang kinabukasan, gayundin upang matulungan sila sa mga simpleng paraan.

Source: 1st Ifugao PMFC

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,310SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles