Misamis Oriental – Arestado ang dalawang lalaki na may kasong Frustrated Homicide sa mga tauhan ng Gingoog City Police Station sa isinagawang manhunt charlie operation sa Barangay 22A, Gingoog City, Misamis Oriental nito lamang Oktubre 16, 2023.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Cecelio Orcullo, Officer-In-Charge ng Gingoog City Police Station, ang dalawang naarestong suspek na si alyas “Socrates”, 19, at alyas “Danie”, 23, kapwa residente ng Gingoog City, Misamis Oriental.
Naaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Frustrated Homicide na may inirekomendang piyansa.
Patuloy ang Misamis Oriental PNP sa pagpapaigiting kontra kriminalidad sa pamamagitan ng paghuli ng mga wanted persons upang masiguro at mapanatili ang kaayusan at kaligtasan ng bawat mamamayan.
Panulat ni Patrolman Edwin Baris