Naic, Cavite – Arestado ang dalawang suspek sa kasong paglabag sa Batas Pambansa Blg. 881 o Omnibus Election Code of the Philippines ng Naic PNP nito lamang Linggo, Mayo 8, 2022.
Kinilala ni Police Colonel Arnold Abad, Provincial Director, Cavite Police Provincial Office, ang dalawang suspek na sina Noelito Mojica Perlas, 48, driver at Remedios Sierra Tubal, 58, pawang mga residente ng Brgy. Halang, Naic, Cavite.
Ayon kay PCol Abad, bandang 5:00 ng hapon naaresto sa nasabing barangay ang dalawang suspek matapos maaktuhan ng operatiba ng Naic Municipal Police Station na namimigay ng pera kapalit ng boto, mga campaign materials at flyers habang tapos na ang campaign period.
Nakumpiska sa dalawang suspek ang 50 pirasong white envelope na naglalaman ng Php500; mga sample ballots; listahan ng mga cluster leaders at mga election/campaign materials.
Ang mga suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Batas Pambansa Blg. 881 o Omnibus Election Code of the Philippines.
Ang PNP ay patuloy na maglilingkod sa mamamayan upang masigurado ang ligtas at payapang halalan.
###
Panulat ni Police Executive Master Sergeant Joe Peter Cabugon