Sogod, Southern Leyte – Nakiisa ang mga tauhan ng 1st Southern Leyte Provincial Mobile Force Company sa Kick Off Ceremony ng National Crime Prevention Week 2022 sa pamamagitan ng pagsasagawa ng Information Drive sa Grade 11 students ng Consolacion National High School sa Brgy. Consolacion, Sogod, Southern Leyte nito lamang Huwebes, Setyembre 1, 2022.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Lieutenant Colonel Geraldo Benjamin A Avengoza, Force Commander ng 1st Southern Leyte PFMC katuwang ang mga tauhan nito.
Ang National Crime Prevention Week 2022 ay may temang “Sa New Normal: Sambayanan Magtulungan, Krimen ay Hadlanagn tungo sa Kapayapaan at Kaunlaran”.
Kabilang sa mga paksang tinalakay ay ang RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, Adverse Effects of Drugs and Drug Identification, Anti-terrorism Awareness, Crime Prevention Safety Tips, RA 11313 o Anti-Bastos Law, RA 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act, Anti-Kidnapping and Anti Bullying Safety Tips.
Kasabay ng aktibidad ay ang pagsagawa ng mga kapulisan ng Community Outreach Program sa pamamagitan ng pagbibigay ng libreng gupit at pamamahagi ng mga school supplies sa mga mag-aaral.
Ang gawaing ito ay naglalayong makabuo ng aktibong suporta at pakikilahok sa kampanya ng Pambansang Pulisya laban sa kriminalidad.
Panulat ni Patrolwoman Rialyn B Valdez