Aglipay, Quirino – Nakiisa ang mga tauhan ng 1st Quirino PMFC at Regional Police Community Affairs and Development Unit 2 sa isinagawang Brigada Eskwela ng Ligaya Elementary School sa Barangay Ligaya, Aglipay, Quirino nito lamang Huwebes ika-18 ng Agosto 2022.
Pinangunahan ni Mrs. Carolina C Abenoja, Teacher lll, katuwang ang mga tauhan ng 1st Quirino PMFC sa pangangasiwa ni Police Lieutenant Colonel Eugenio L Mallillin, Force Commander at RPCADU 2 sa pangunguna ni Police Lieutenant Colonel Efren L Fernadez ll, at mga guro ng naturang paaralan.
Ito ay alinsunod sa Kick-off ng Brigada Eskwela 2022 na may temang “Brigada Eskwela: Tugon sa Hamon ng Ligtas na Balik-Aral”.
Ang lahat ng kalahok ay nagtulong-tulong sa paglilinis ng paligid at pagpipintura ng mga silid aralan.
Ang paaralan ay maituturing na pangalawang tahanan ng mga mag-aaral, kaya naman ang Pambansang Pulisya katuwang ang iba’t ibang grupo at ahensya ay nakatuon sa pagpapanatili ng isang ligtas at malinis na institusyon upang matulungan ang mga mag-aaral at mga guro na magkaroon ng komportable at kaaya-ayang paaralan.
###
Panulat ni Police Corporal Jermae D Javier