Quezon City – Isinagawa ang 1st Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill 2023 na nilahukan ng miyembro ng pulisya ng lahat ng unit/offices na nakatalaga sa loob ng Kampo Crame, Quezon City dakong 2:00 ng hapon nito lamang Huwebes, Marso 9, 2023.
Ang naturang simultaneous earthquake drill ay taon-taong ginagawa upang mapaghandaan ang pagdating ng The Big One na ayon sa pag-aaral ay makakaapekto sa 170,000 tirahan na guguho habang 340,000 ang magiging pinsala at nasa 500 fire incidents ang maitatala sa unang isang oras at upang masanay ang ating muscle memory sa mga dapat gawin tulad ng drop, cover and hold tuwing may lindol.
Sa pagbibigay ng mga kritiko sa kahandaan ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas ay nagbigay ng kanilang obserbasyon at mga dapat pagbutihin sina Ms. Ma. Cinderella Garcia, Quezon City Representative, Disaster Risk Reduction and Management Office; Senior Fire Officer 2 Francis Miguel Demafeliz mula sa Bureau of Fire Protection; at si Ms. Sharon Berganio mula naman sa Metro Manila Development Authority.
Samantala, nagbigay naman ng pamamatnubay at kasiguraduhan sa mensahe ni Police Major General Mario Reyes, Director at Chairperson, Sub-Committee on Natural Disaster na kinatawan ni Police Brigadier General Jonathan Cabal, Executive Officer ng The Directorate for Police Community Relations na ang lahat ng tauhan ng PNP ay handa sa anumang sakuna at alam ang mga dapat gawin sa oras man ng kalamidad at pangangailangan.
Panulat ni PSSg Grace Neville Ortiz