Palawan – Nakiisa ang mga kapulisan ng 1st Palawan Provincial Mobile Force Company sa isinagawang Serbisyo Caravan sa Sitio Tula-tula, Brgy. Ipilan, Brooke’s Point, Palawan noong ika-26 ng Nobyembre 2023.
Ang aktibidad ay pinangunahan ng 27th Marine Company, Marine Battalion Landing Team-7 sa pamumuno ni 1LT Antonio Gonzales PN (M), katuwang ang mga kapulisan ng 1st Palawan PMFC sa pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Klinton Rex Jamorol, Force Commander ng 1st Palawan PMFC, Commando Brotherhood at iba’t ibang ahensya ng gobyerno tulad ng Bureau of Jail Management and Penology, Philippine Navy, Philippine Coast Guard, PNP Maritime Group, at Brooke’s Point MPS
Matagumpay na naibahagi sa ating mga kababayang Palau-an ang mga libreng serbisyo gaya ng tuli, gupit, bunot ng ngipin, feeding program, pamimigay ng kulambo, tsinelas at mga laruan.
Samantala, ang Lokal na Pamahalaan ng Brooke’s Point, Palawan ay nagpaabot din ng libreng serbisyong sibil at agrikultural.
Mahigit naman sa limang-daang residente ang nabahagian ng mga nasabing serbisyo.
Layunin ng aktibidad na ito na maipaabot sa ating mga kababayan ang mga libreng serbisyo ng ating gobyerno at mapanatili ang magandang ugnayan sa pagitan ng kapulisan at komunidad.
Source: 1st Palawan PMFC
Panulat ni Patrolman Erwin Calaus