Palawan – Aktibong nakilahok ang mga tauhan ng 1st Palawan Provincial Mobile Force Company sa isinagawang Bloodletting Activity sa Munisipyo ng Quezon, Palawan nito lang Mayo 31, 2023.
Kabilang sa nagdonate ng dugo ang mga tauhan ng 1st Palawan PMFC sa direktang pangangasiwa ni Police Lieutenant Colonel Klinton Rex Jamorol, Force Commander, at mga boluntaryong residente ng nasabing lugar.
Dumaan sa iba’t ibang screening ang mga qualified donors upang masiguro ang kanilang kaligtasan at pati ang mga benepisyaryo ng malilikom na dugo.
Ang aktibidad na ito ay naglalayong tiyakin ang sapat ng suplay ng dugo at makapaghatid ng serbisyo ng dugo sa lokalidad, upang makatulong at makapamahagi ng libreng dugo sa mga pasyenteng may malalang karamdaman at nangangailangan.
Panulat ni Patrolman Erwin Calaus