Cagayan – Hinandugan ng mga pulisya ang isang dalagita ng Project S.I.L.I.D. (Solusyon para Iwaksi ang Pang-aabuso, Labanan ang karahasan at Ibangon ang Dignidad ng mga Kababaihan) sa Cagayan nitong Lunes, Marso 28, 2022.
Kinilala ni Police Major Samuel Lopez, Hepe ng Solana Police Station, ang benepisyaryo sa kauna-unahang project S.I.L.I.D. ng istasyon na si Keith Jade keyne Adriano, Grade 6 student, residente ng Barangay Caliliauan, Solana, Cagayan.
Maliban sa sariling silid at mga gamit sa loob nito, ay nakatanggap din si Keith Jade ng mga school supplies at food packs para sa kanyang pamilya.
Ang paglunsad ng project silid ay bilang bahagi ng National Women’s Month Celebration ngayong taon.
Layon ng proyektong ito na magkaroon ng sariling silid ang mga kababaihan lalo na ang mga dalaga upang maiwasan ang pang-aabuso sa kanila at ang krimeng panggagahasa.
Nagkaroon din ng panunumpa ang mga miyembro ng Anti-Rape Task Force sa barangay upang mas lalong mapaigting ang kampanya laban sa krimeng pang-aabuso at panggagahasa.
Ayon sa datos ng istasyon, walang naitalang kaso ng panggagahasa sa munisipalidad mula 2020 hanggang first quarter ng taon dahil na din sa maigting na pagsasagawa at paglunsad ng mga ganitong proyekto at patuloy na pagbabahagi ng mga kaalaman upang maiwasan ang pang-aabuso at panggagahasa.
###
Panulat ni Police Corporal Carla Mae P Canapi
Serbisyong may puso talaga ang mga pulis slamat sir