Northern Samar – Matagumpay na naisagawa ng mga tauhan ng 1st Northern Samar Provincial Mobile Force Company ang Feeding Program at Information Drive na ginanap sa Brgy. Hinabangan, Mondragon, Northern Samar nitong ika-20 ng Nobyembre 2022.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Lieutenant Colonel Edwin Oloan Jr, Force Commander, kasama ang Mondargon Municipal Police Station, at sa aktibong suporta ni Hon. Nonita Birante, Barangay Captain, KABALIKAT CIVICOM Mondragon Chapter, mga miyembro ng Sinag ng Hilaga at Advocacy Support Groups.
Kasama sa mga tinalakay ang patungkol sa Anti-Terrorism and Illegal Drugs Awareness, Violence against Women and their Children (VAWC) at mga benepisyo ng E-CLIP o Enhanced Comprehensive Local Integration Program.
Kasunod nito ang pamamahagi ng mainit na lugaw at inumin ng mga miyembro ng KABALIKAT CIVICOM Mondragon Chapter sa mga residente na nakilahok sa aktibidad.
Ang naturang aktibidad ay alinsunod sa programa ng PNP na MKK=K (Malasakit, Kaayusan, Kapayapaan tungo sa Kaunlaran) para sa ikabubuti ng bayan at ng mga mamamayan nito.
Mensahe ni PLtCol Oloan, “We will not only implement peace and order but we will also provide support activities involving the PNP, Church/Faith-Based Groups, and Advocacy Support Groups, NGOs with a common goal – to help the community in building a harmonious relationship towards a not only lasting peace but also progress and development to the nation”.