Sa pagdiriwang ng Buwan ng Kababaihan, nagsagawa ng information drive ang mga tauhan ng 1st Kalinga Provincial Mobile Force Company (PMFC), sa pangunguna ni PMSg Lawrence A. Taguitag, na ginanap sa Southern Tabuk District 1 Convergence sa Balawag, Tabuk City, Kalinga nito lamang ika-8 ng Marso 2025.

Tinalakay sa nasabing aktibidad ang mga paksa tungkol sa Safe Spaces Act (RA 11313) o Bawal Bastos Law, Juvenile Justice and Welfare Act of 2006 (RA 9344), Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 (RA 9165), Anti Bullying Act (RA 10627), mapanlinlang na recruitment practices ng mga Communist Terrorist Groups (CTGs), at mga ipinagbabawal na aktibidad sa 2025 National and Local Elections (NLE) at BARMM Election.
Nagbahagi rin ang mga tauhan nito ng mahahalagang tip sa pag-iwas sa krimen upang matiyak ang kaligtasan at seguridad ng komunidad.
Ang aktibidad na ito ay sumasalamin sa pangako ng 1st Kalinga PMFC na bigyang kapangyarihan ang mga komunidad sa pamamagitan ng kamalayan at edukasyon na nagtataguyod ng mas ligtas na kapaligiran para sa lahat lalo na sa mga kababaihan at mga bata.
Source: PCADG Cordillera FB Page